Mag-asawa, sinaksak ng lasing na katiwala sa Pampanga

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at May 03 2017 10:20 AM

Isang babae ang nasawi habang kritikal naman ngayon sa pagamutan ang kanyang asawa matapos silang undayan ng saksak ng lasing na katiwala sa palaisdaan sa Candaba, Pampanga.

Nakilala ang biktimang mag-asawa na sina Catherine at Jake Joseph delos Santos, kapwa 29-anyos.
 
Nanatiling at large naman ang suspek na si Rudolfo Yupio Jr., alyas Enteng, at tubong Quezon.

Ayon sa pulisya, posibleng nag-ugat ang krimen nang di kaagad nakapag-bale ang suspek sa mag asawa.

Naka-alarma na ang mga estasyon ng pulisya sa probinsya para sa agarang pagaresto sa suspek.

Nakipag-ugnayan na rin ang Candaba Municipal Police Station sa San Narciso, Quezon Police kung saan nakatira ang pamilya ni alyas Enteng.

May P400,000 na pabuya din ang nakalaan sa sinumang makapagtuturo sa suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.