PatrolPH

ALAMIN: Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo simula Mayo 5

ABS-CBN News

Posted at May 02 2020 05:26 PM

MAYNILA--Dagdag-bawas ang galaw sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya. 

 Tinatayang bawas sa produktong petrolyo: 

  • Diesel → P0.20-P0.30/litro 
  • Kerosene → P0.60-P0.70/litro

Tinatayang dagdag sa gasolina

  •  Gasolina → P0.60-P0.70/litro

Maglalaro sa P0.60 hanggang P0.70 kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng gasolina. 

Samantala, habang P0.10 hanggang P0.20 naman ang tapyas sa presyo ng diesel, at P0.60 hanggang P0.70 ang rollback sa kerosene. 

Epektibo ang rollback sa Martes, Mayo 5. 

Samantala, ilan pang LPG companies ang nagsabing magtataas-presyo sila. 

Ang EC Gas, magdadagdag-presyo ng P5.80 sa kada kilo ng LPG o katumbas ng P63.80 sa isang 11 kilogramong tangke. 

Nasa P5.80 naman kada kilo ang dagdag sa presyo ng Phoenix Super LPG, at nasa P3.25 ang dagdag sa kada kilo ng Auto LPG. 

Una nang nag-anunsiyo ng dagdag-presyo ang Petron at Solane. — Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.