PatrolPH

Abogadong magbibigay umano sana ng legal assistance, inaresto sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at May 02 2020 02:34 AM

Abogadong magbibigay umano sana ng legal assistance, inaresto sa Iloilo 1
Larawan mula sa National Union of People's Lawyers

Kinumpirma ng Iloilo City Police Office (ICPO) na kabilang ang isang abogado ng National Union of People's Lawyers (NUPL) sa mga inaresto sa Jaro, Iloilo City Biyernes ng umaga.

Ayon kay ICPO spokesperson Police Capt. Shella Sangrines, kabilang umano si Atty. Angelo Karlo Guillen sa 42 na nagprotesta kasabay ng Labor Day at nanawagan ng hustisya sa pagpatay sa aktibista na si Jory Porquia.

Ayon sa pulisya, nilabag ng mga suspek ang mga alituntunin ng enhanced community quarantine na ipinatutupad laban sa COVID-19 pandemic.

Dahil dito, inaresto sila at nakatakdang kasuhan Sabado ng umaga dahil sa disobedience, ani Sangrines.

Ayon sa ICPO, para maiwasan ang pagsama-sama sa iisang kulungan, kinailangan na ilipat sa ibang presinto ang mga naaresto at para na rin masunod ang physical distancing.

Sa inilabas na pahayag ng NUPL, sinabi ng grupo na hindi katanggap-tanggap ang ginawa sa isa nilang miyembro.

Pumunta umano si Guillen para magbigay ng legal assistance sa mga ralyista na nagpoprotesta sa pagpaslang kay Porquia.

"This is yet another of the harassment, nuisance and idiotic charges against lawyers merely exercising their profession and performing their duties," ayon sa NUPL.

Dagdag nito, "It seems human rights lawyers are especially targetted because of our unflinching conviction and commitment to defend victims and arm them with knowledge and advise on their rights while reconciling with the imperatives of the public health emergency."

"This is unacceptable. It violates a plethora of domestic laws and international instruments. It does not give the correct message to those who just passed the bar and whose idealistic notions of the law, rights and the profession may sadly be smashed this early, if they have not been already." - Ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.