Buntis, bisita, patay sa pamamaril sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at May 02 2019 11:48 AM | Updated as of May 02 2019 10:32 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE)—Patay sa pamamaril ang 2 babae sa loob ng isang bahay sa Baseco Compound sa Maynila ngayong Huwebes ng umaga. 

Kinilala ang mga biktima na sina Almira Patata at ang kaniyang bisita na si Renalyn Pinas. Nagdadalantao pa umano si Patata, ayon sa kaanak nito. 

Ayon sa barangay tanod na si Mariel Ramirez, kauuwi lamang ng dalawa nang mangyari ang pamamaril. 

Narinig umano ng mga kapitbahay ang pagkakaluskos at pagmamakaawa ng biktima. 

Nawala rin umano ang mga laman ng pouch na dala ni Miray at ang kanilang mga cellphone. 

Ayon kay Police Capt. Salvador Inigo, onsehan sa droga ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa pamamaril. 

Napag-alaman din ng pulis na nakatakda sanang pagpiyansahan ang asawa ni Pinas na nakakulong sa kasong droga. —Ulat nina Lady Vicencio, Zyann Ambrosio, at Fred Cipres, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.