75 tiklo sa Pasay dahil sa droga, pag-inom sa kalsada

ABS-CBN News

Posted at May 02 2019 05:48 AM

MAYNILA - Umabot sa 75 ang naaresto sa simultaneous anti-criminality and law enforcement operation sa Pasay City sa magdamag.

Ayon kay Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City police, 4 sa mga nahuli ay sa pamamagitan ng warrant of arrest, kung saan 2 rito ay nasa listahan ng most wanted personality ng siyudad.

Tatlo naman ang timbog dahil sa buy-bust operation, 5 ang naaktuhan sa drug session at 3 ay nakuhanan ng droga. Isa ang nahuling may dalang balisong at isa din ang nakuhaan ng mga bala.

Marami sa mga nahuli ay lumabag sa city ordinance, tulad ng pag-inom sa pampublikong lugar.

Pagbabayarin ng multa ang mga nahuling lumabag sa city ordinance habang sasampahan ng kaso ang iba pa. - Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.