ISTANBUL - Inimbitahan ng Philippine Consulate General sa Istanbul sa unang pagkakataon ang ilang Filipino Muslim students sa Istanbul at karatig lugar para sa huling Iftar o breaking of the fast reception bago magtapos ang Holy Month of Ramadan noong April 20.
Photo by Saudi Lambak
Binuksan ni Consul General Shirlene Mananquil ang isang maikling programa sa kanyang pagtanggap sa mga mag-aaral. Pinuri ni Manangquil ang mga mag-aaral sa ipinakita nilang matatag na pananampalataya nitong Ramadan.
Istanbul PCG photo
Istanbul PCG photo
Nagkaroon din ng pagtatanghal para sa Eid'l Fitr o ang “Festival of Breaking the Fast” si Rauf Basar Jainal, isang student leader.
Nagkaroon din ng pagbabahagi ng karanasan ang bawat isa tungkol sa Eid'l fitr at kanilang academic life sa Turkiye.
Istanbul PCG photo
Ang reception ay dinaluhan ng 26 Filipino students mula sa high school, college, at graduate degree programs mula sa mga pangunahing paaralan at pamantasan sa Istanbul at mga karatig na probinsya tulad ng Niğde Ömer Halisdemir Üniversitesi, İstinye Üniversitesi, İstanbul Sabahattin Zaim Üniversitesi, İbn Haldun Üniversitesi,Kocaeli Üniversitesi, Sağlık Bilimleri Üniversitesi, Sivas Cumhuriyet Üniversitesi, İstanbul 29 Mayıs Üniversitesi.
Dumalo rin ang ilang mga mag-aaral mula sa Necmettin Erbakan Üniversitesi, Abant İzzet Baysal Üniversitesi, Samsun Üniversitesi, İstanbul Şehir Üniversitesi, İstanbul Üniversitesi, Çukurova Üniversitesi, Piri Reis Üniversitesi, Tuzla Anadolu Lisesi, at İstanbul Yeni Yüzyıl Üniversitesi.
Istanbul PCG photo
Naghanda ng biryani at mga prutas ang Consulate General para sa mag-aaral. Kasama rin sa menu ang ilang Filipino dish tulad ng okoy, pancit, at Filipino empanada bilang paggunita naman sa Filipino Food Month nitong Abril.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Turkiye, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.