Nagpakilalang opisyal ng NPA sumuko sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at May 01 2021 08:53 PM | Updated as of May 02 2021 02:38 PM

Nagpakilalang opisyal ng NPA sumuko sa Davao City 1
Kuha ng RPSB 5.

Isang opisyal umano ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Davao City.

Sumuko sa Regional Public Safety Battalion (RPSB) Cluster 5 pasado alas-otso ng gabi, Biyernes, ang 39 taong gulang na rebelde na taga-Purok 7-B, Sitio Sicao, Brgy. Tamayong, Calinan District.

Ayon kay PLt. Rizalito Clapiz III, team leader ng RPSB Cluster 5, logistic officer ng Guerilla Front 54 Pulang Bagani Command 3, na saklaw ang North Cotabato at Bukidnon, ang sumukong rebelde.

“Boluntaryo siyang sumuko para magbagong buhay lalo na at sumuko na rin ang ilan sa kanyang mga kasamahan,” ani Clapiz. 

Na-engganyo rin umano si Polistico na sumuko dahil naniniwala siyang seryoso ang mga pulis sa pagtulong sa mga tulad niya upang magbalik loob sa gobyerno, ayon sa pahayag ng RPSB.

Bitbit ni Polistico sa pagsuko ang kanyang Magnum Cal .357 Revolver at bala. 

Nangako naman ang mga pulis na tutulungan si Polistico sa pagbabagong buhay, pati na ang seguridad niya at ng kaniyang pamilya. 

-- Mula sa ulat ni Francis Magbanua

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC