PatrolPH

10 bahay nasunog sa Tacloban City

ABS-CBN News

Posted at May 01 2021 04:03 PM

10 bahay nasunog sa Tacloban City 1
Nabalot ng makapal na usok ang lugar matapos tupukin ng apoy ang may 10 mga bahay sa Barangay 96 sa Tacloban City. Larawan mula kay Alexander Hoseña

Sampung bahay ang natupok sa sunog na sumiklab sa Barangay 96, sa Tacloban City, Sabado ng umaga.

Ayon sa impormasyon mula sa Tacloban City Fire Station, nangyari ang sunog alas-11:15 ng umaga kung saan ang mga natupok na bahay ay pawang gawa sa light materials.

Agad namang naapula ang sunog matapos na magtulong-tulong ang mga bombero at volunteers para hindi na kumalat pa ang apoy.

Aabot sa 11 pamilya ang apektado sa sunog pero wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.

Inaalaman pa ngayon ng mga bombero kung ano ang pinagmulan ng apoy.

- Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.