Umano’y kilalang kawatan sa Sagay, patay sa pamamaril

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at May 01 2019 10:07 PM

SAGAY CITY, Negros Occidental—Patay ang isang 22 anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin Martes ng hapon sa lungsod na ito.

Ayon sa pulisya, kilala bilang kawatan sa lugar ang pinatay na si Raymond Baynosa.

Base sa imbestigasyon, nakatayo lang sa tabi ng daan si Baynosa nang biglang huminto sa kaniyang harapan ang mga nakamotorsiklong salarin at agad siyang pinagbabaril.

May tatlong tama ng bala sa katawan at ulo ang biktima.

Isa sa mga motibong tinitingnan ng pulisya ang paghihiganti ng isa sa mga nabiktima ng pagnanakaw noon ni Baynosa.

Nasa drugs watch list din ng Sagay Police ang napatay.

Pinaghahanap na ngayon ng kapulisan ang mga responsable sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.