School principal arestado sa Samar buy-bust

ABS-CBN News

Posted at May 01 2019 06:21 PM

Isang school principal ang naaresto noong gabi ng Lunes sa buy-bust operation sa Calbayog City, Samar.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Eastern Samar, natimbog ang suspek na si Arnulfo Abellar, alyas "Arnold," sa operasyong isinagawa sa Barangay Obrero.

Nakuha rin kay Abellar ang 3 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P68,000, isang baril, at mga bala.

Kinasuhan si Abellar ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.--Ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.