PatrolPH

Lalaki nakuhanan ng baril sa checkpoint sa Dipolog

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at May 01 2019 11:03 PM

DIPOLOG CITY—Arestado ang isang 45 anyos na lalaki matapos makuhanan ng baril at mga bala sa isang checkpoint sa lungsod na ito Martes ng umaga.

Base sa impormasyon, padaan si Visandre Fiñeza sa checkpoint sa may Barangay Sicayab nang pinara siya ng awtoridad para suriin ang kaniyang lisensiya at rehistro ng minamanehong motorsiklo.

Ayon kay Police Lieutenant Jose Renault Tan, napansin ng kaniyang kasamahan na balisa ang suspek.

"Nagduda kami na baka may dala siyang armas at nang pinabuksan namin ‘yong kaniyang dalang sling bag, nakita namin doon ‘yong kaniyang caliber-.38 revolver,” aniya.

Katuwiran ni Fiñeza, hindi niya inakalang huhulihin siya dahil sira umano ang bitbit na baril na kaniya sanang ipapaayos.

Kasong paglabag sa election gun ban at illegal possession of firearms ang hinaharap ng suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.