Kotse bumangga sa center island sa Makati

ABS-CBN News

Posted at May 01 2019 06:26 AM

Lady Vicencio, ABS-CBN News

MAYNILA - Bumangga ang isang kotse sa center island sa Chino Roces Ave., Makati City Miyerkoles ng madaling-araw.

Ayon kay Edgar Salcedo, bantay bayan personnel ng Barangay Pio Del Pilar, pagewang-gewang at mabilis ang takbo ng kotse.

Nawalan ng malay ang drayber ng sasakyan nang respondehan pero wala siyang tinamong galos sa katawan.

Nakaharang sa isang lane ang kotse na nakakaapekto sa trapiko sa southbound lane ng Chino Roces Ave.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. - Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.