21 sugatan sa salpukan ng bus, SUV sa Negros Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at May 01 2019 06:14 PM

BAGO CITY, Negros Occidental - Sugatan ang 21 katao matapos magsalpukan ang isang bus at SUV sa Barangay Sampinit sa lungsod nitong Martes ng umaga.

Sugatan ang 19 pasahero ng bus, ang driver ng SUV at konduktor ng bus.

Sa imbestigasyon ng PNP traffic section, pumutok ang isang gulong ng SUV na nasa kabilang lane. Dahil dito, nabangga ng SUV ang kasalubong na bus.

Nahulog naman sa kanal ang bus habang dumiretso sa isang irigasyon ang SUV.

Wala namang maipakitang driver’s license ang driver ng SUV.

Ayon sa Vallacar Transit, operator ng bus company, na walang kasalanan ang driver ng bus dahil sila ang binangga. Sinubukan din ng bus driver na maiwasan ang SUV.

Sinagot ng bus company ang gastos sa pagpapagamot ng mga nasugatang mga pasahero.

Hinihintay pa ng pulisya ang desisyon ng bus company kung magsasampa ito ng kaso laban sa driver ng SUV.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.