PatrolPH

43 barangays sa Lanao del Sur binaha dahil sa pag-apaw ng Taraka River

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2022 11:15 AM | Updated as of May 01 2022 11:03 AM

TINGNAN: 43 barangays sa Lanao del Sur binaha 1
TINGNAN: 43 barangays sa Lanao del Sur binaha 2
TINGNAN: 43 barangays sa Lanao del Sur binaha 3

Umabot sa 3,914 na mga residente ng bayan ng Taraka ang apektado ng baha, samanatalang tinatayang nasa 800 ektaryang pananim ang napinsala. MDRRMO Taraka

Umabot sa 3,914 na mga residente ng bayan ng Taraka ang apektado ng baha, samanatalang tinatayang nasa 800 ektaryang pananim ang napinsala. MDRRMO Taraka

Umabot sa 3,914 na mga residente ng bayan ng Taraka ang apektado ng baha, samanatalang tinatayang nasa 800 ektaryang pananim ang napinsala. MDRRMO Tarakat

TARAKA, Lanao del Sur – Binaha ang 43 na mga barangay sa bayang ito matapos umapaw ang Taraka River mula alas 8 ng umaga hanggang pasado alas 3 ng hapon Biyernes.

Umabot sa 3,914 na mga residente ang apektado ng baha.

Ayon kay Abdul Hasim Badron, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer, umapaw ang ilog dahil sa walang humpay na pagbuhos ng ulan simula pa noong Miyerkoles, April 27, dahil sa intertropical convergence zone na nakaapekto sa Mindanao. 

Apektado rin sa baha ang 6 na mga paaralan sa bayan, na kinabibilangan ng Ansano Memorial School, Ambor Memorial National High School, Pitakus Central Elementary School, Cormatan Primary School, Mindanao State University Taraka Community High School, at Dimayon Elementary School.

Naranasan din noong Huwebes sa bayan ang pagkawala ng kuryente at signal sa cellular phone. 

Tinatayang nasa 800 ektaryang pananim ang napinsala ng baha.

Aabot sa P500,000 ang danyos ng mga nasirang produktong pang agrikultura, kabilang na ang nasirang mga kalsada.

- Ulat ni Maricel Butardo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.