PatrolPH

Barangay chairman sa Pampanga patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2022 03:25 PM

Pinagbabaril ang incumbent barangay chairman ng Barangay Alasas sa lungsod San Fernando, Pampanga alas-7 ng umaga ngayong Sabado, Abril 30.

Kinilala ang biktima na si Alvin Mendoza. 

Pinagbabaril siya habang sakay ng kaniyang SUV, batay sa kuha ng CCTV.

Tumatakbong konsehal si Mendoza sa San Fernando ngayong halalan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo at mga salarin. – Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.