PatrolPH

Miyembro umano ng sindikato timbog sa pananalisi ng bag sa Malate

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2021 06:20 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Kulong ang isang 27-anyos na lalaki nang mahuling nagtatangay ng bag sa Malate sa lungsod na ito Huwebes.

Ayon sa biktimang truck driver, nagbababa ito ng mga appliance sa isang condo sa Taft Avenue nang sumulpot ang suspek. Lumapit siya sa driver’s seat ng truck at kinuha ang sling bag ng biktima.

Paalis na sakay ng kaniyang bisikleta ang suspek nang mapansin siya ng biktima kaya nakahingi pa ng tulong sa pulis.

Dalawang pulis na naka-pwesto sa lugar ang nakapansin sa paghingi ng saklolo ng truck driver at agad hinabol ang suspek. Narekober sa kaniya ang bag na naglalaman ng cellphone at wallet ng truck driver.

Sa imbestigayon, walang trabaho at miyembro umano ng Sputnik gang ang suspek.

Dayo lang din siya sa lugar galing Navotas City. Theft ang kasong isinampa laban sa kanya. — Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.