PatrolPH

Arms cache ng NPA narekober sa Davao de Oro

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2021 09:27 AM

Arms cache ng NPA narekober sa Davao de Oro 1
Bukod sa mga armas, dalawang improvised landmine din ang narekober ng awtoridad muna sa Sitio Diat Palo sa Barangay Napnapan sa bayan ng Pantukan sa Davao de Oro. Larawan mula sa 28th Infantry Battalion ng Philippine Army

Narekober sa magkahiwalay na operasyon ng 28th Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga eksplosibo at armas na pagmamay-ari umano ng New People's Army sa dalawang bayan sa Davao de Oro.

Martes nang unang makumpiska ng mga sundalo ang tatlong high-powered firearms sa Barangay Malamudao sa bayan ng Maco, matapos ibiulgar ng dating vice commanding officer ng Guerrilla Front 2 ng NPA na si Julius Acquiatan ang lokasyon ng arms cache.

Nakuha sa lugar ang isang M16 armalite, isang M653 baby armalite, at isang sniper rifle.

Noong linggo, nakumpiska rin sa Sitio Diat Palo, Barangay Napnapan sa bayan ng Pantukan ang dalawang landmine o improvised explosive device matapos din umanong magbigay ng impormasyon ang isang residente sa lugar.

Nagpasalamat naman ang militar sa mga impormante na tumutulong sa kanila sa pagbibigay ng impormasyon laban sa rebeldeng grupo.

- Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.