PatrolPH

Tinderong ginulpi ng mga awtoridad sa QC, laya na

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2020 02:11 PM | Updated as of Apr 30 2020 07:29 PM

Watch more on iWantTFC

MANILA - Nakalaya na ngayong Huwebes ang tindero ng isda na makikita sa viral video na pinagpapapalo ng mga tauhan ng Task Force Disiplina ng Quezon City dahil umano sa paglabag sa lockdown na layong pigilin ang pagkalat ng COVID-19. 

Ito'y matapos iurong ng mga awtoridad ang kasong resistance at disobedience to a person in authority laban sa vendor na si Michael Rubuia sa Barangay South Triangle. 

Nakalabas si Rubuia sa Quezon City Police Station 10 dakong alas-11 ng umaga, ani Police Lt. Col. Lucio Simangan Jr., officer-in-charge doon. 

Sinundo aniya ng mga kaanak si Rubuia at dumiretso pauwi sa kanilang bahay sa Novaliches.

Tumanggi umanong magpa-rehab ang vendor na ayon sa isang opisyal ng lungsod ay nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga

Nag-alok naman ang Quezon City government ng ayuda kay Rubiia sakaling magpasailalim itoo sa rehabilitation.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.