Sundalong namatay sa engkwentro sa Sulu, inilibing na

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2020 12:36 AM

Inilibing na ang mga labi ng sundalong kasama sa mga namatay sa engkwentro sa Abu Sayyaf sa Sulu nitong Abril.

Bago inilibing si 1Lt Rogelio Deligerio Jr., isang misa ang idinaos at nagkaroon din ng necrological service sa Saint Michael Parish sa Gandara, Samar kung saan nandoon ang mga naging kasama nitong pulis, sundalo, mga kaibigan at pamilya.

Bilang tradisyon, inialay ang 21-gun salute sa namatay na sundalo at ibinigay din ang bandila ng bansa sa pamilya bilang pagbibigay-pugay sa naging serbisyo ni Deligerio.

Matatandaan na 12 sundalo ang namatay at 14 ang sugatan sa isang engkwentro ng militar laban sa Abu Sayyaf sa Sulu nitong Abril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.