'Plant, plant, plant': 6,000 urban farming starter kits ipapamahagi sa QC

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2020 07:10 AM

Inaayos ng isang lalaki ang mga urban starting kit na ipamimigay sa mga residente ng Quezon City.

MANILA - Nakatakdang mamigay ang lokal na pamahalaan ng 6,000 urban farming starter kits sa mga residente sa Quezon City.

Layon ng proyekto na bigyan ng alternatibong mapagkukuhanan ng mga gulay o prutas ang mga residente ng pinakamalaking lungsod sa Metro Manila, ayon sa Quezon City Small Business and Cooperative Development Promotions Office. 

Inaayos ng isang lalaki ang mga urban starting kit na ipamimigay sa mga residente ng Quezon City.

Ilan sa laman ng starter kits ay mga binhi ng mga gulay tulad ng talong, okra, kamatis, petchay at iba pa. May kasama na ring 2 kilo ng pataba, 3 potting bags, at manual kung paano alagaan ang mga pananim.

Unang makakatanggap ng mga starter kits ang nasa 500 residente na nakapag-online reservation noong Abril 17. Hindi kailangan pumunta sa city hall dahil diretso itong ipapadala sa mga bahay.

Para sa karagdagang detalye sa susunod na pagbubukas ng online reservation, maaring silipin ang official social media pages ng Quezon City government. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.