PatrolPH

Mga guro, magulang nag-ambagan para sa relief packs ng 350 estudyante sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2020 01:11 PM | Updated as of Apr 30 2020 01:23 PM

Watch more on iWantTFC

Nabigyan ng food packs ang pamilya ng 350 estudyante sa South Central Elementary School sa Barangay Poblacion sa Pagudpud, Ilocos Norte sa gitna ng krisis sa COVID-19. 

Parte ito ng kanilang "Mag-aaral Ko, Karugtong ng Buhay Ko" project na layong tulungan ang mga estudyante habang hirap ang mga pamilya nila sa harap ng pandemiya, kung saan maraming kabuhayan ang apektado. 

Pakana ito ng mga guro at parent-teacher association (PTA) ng paaralan na nag-ambagan para mahatiran ng tulong ang mga estudyante. 

Naglalaman ang mga relief pack ng bigas, delata, biskwit, itlog, at gatas. 

Ayon sa principal na si Mercy Krizal, alam nilang karamihan sa mga estudyante ay mahihirap kaya nag-isip sila na tulungan ang mga ito. 

Nasa enhanced community quarantine ang Ilocos Norte hanggang Abril 30 at ilalagay sa general community quarantine pagdating ng Mayo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.