'Mahiwagang balde' ng relief goods ipinamigay sa Sta. Cruz, Maynila

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2020 08:36 AM

'Mahiwagang balde' ng relief goods ipinamigay sa Sta. Cruz, Maynila 1
Namigay ng "mahiwagang balde" ng relief goods sa mga residente ang Barangay 362 Zone 36 sa Sta. Cruz, Maynila.

MAYNILA - Namigay ang Barangay 362 Zone 36 sa Sta. Cruz, Maynila ng "mahiwagang balde" ng relief goods para sa 150 pamilya.

May laman itong bigas, frozen goods, tinapay, palaman, gatas, may pang spaghetti, itlog, hotdog, pineapple juice, biscuit at maging ang pagkain ng aso.

Bukod sa relief package na ito, may pa-meryenda ang barangay araw-araw. Nitong Huwebes ng umaga, nagpamahagi ng almusal na pandesal at egg sandwich ang mga taga-barangay.

Watch more on iWantTFC

Ginawa umano ito ni barangay chairman Anne Christine Abella para masiguradong hindi na kailanganin ng mga residente na lumabas pa ng kanilang bahay.

Tinutugunan na ang lahat ng kanilang pangangailangan hanggang sa inumin ng mga ito.

--Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News