TUDELA, Misamis Occidental - Isang 47 anyos na babaeng health worker ang kabilang ngayon sa mga tinamaan ng COVID-19 sa Misamis Occidental at naitalang pangatlong positibong kaso sa probinsya.
Ayon kay Governor Philip Tan, nasa maayos namang kalagayan ang pasyente na kasalukuyang naka-quarantine sa bahay.
Abril 10 nang makaranas ito ng ubo at nagpacheck-up makalipas ang isang linggo.
Walang travel history ang pasyente pero may direct contact ito sa pangalawang pasyente na nagkasakit rin ng COVID-19 at namatay dahil sa atake sa puso.
Ipatutupad naman hanggang ika-15 ng Mayo ang general community quarantine sa buong probinsya ng Misamis Occidental para maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Umabot na sa 8,488 ang kabuuang bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas nitong Huwebes. Umabot naman sa 1,043 ang mga gumaling habang 568 na ang namamatay dahil sa sakit.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Misamis Occidental, coronavirus, COVID-19, health worker, coronavirus Misamis Occidental update, Tagalog news