Dagdag-PPE panawagan ng ospital sa South Cotabato

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2020 11:46 AM | Updated as of Apr 30 2020 11:51 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Umaapela ngayon ng tulong ang isang ospital sa South Cotabato na nauubusan na umano ng personal protective equipment para sa kanilang frontliners na nakikipaglaban sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Sa panayam sa radyo DZMM, sinabi ni Dr. Nanette Franco, hospital director ng Arturo Pingoy Medical Center, na ubos na ang kanilang disposable gown na sinusuot ng mga frontliner sa kanilang ospital. 

Ngayon, gumagamit na lang aniya sila ng mga surgical gown bilang alternatibo. 

"Wala na po disposable gowns we are using are using surgical gowns para lang safe ang gumagamit," dagdag niya. 

Pang-3 linggo na lang din aniya ang kanilang suplay ng N95 masks para sa mga frontliner. 

Ayon kay Franco, may mga dumarating silang stock ng mga PPE pero aniya'y bumabagal ang pagdating nito dahil sa laki ng demand sa mga ito sa buong mundo. 

Nasa 25 COVID-19 patients ang naka-admit sa ospital, ayon kay Franco. Kaunti man aniya, inaalagaan din nila ang mga suspected o hinihinalang may COVID-19 na naka-confine doon. 

"We have a 130 bed facility pero bumabakas ang takot magpaadmit at tsaka syempre financially so we are currently up to 25 patients but we’ve taken care of COVID suspects. but we’d take care of 340 workers po. That’s very low but nationwide 'yan po ang trend," ani Franco. 

Ang mga nais tumulong ay maaaring mag-email sa [email protected] o makipag-ugnayan sa number na ito: 

 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.