Coordinator ng Bayan Muna sa Panay patay sa pamamaril

Jennifer Garcia Hernandez, ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2020 02:00 PM

Pinoproseso ng SOCO ang crime scene kung saan nakahandusay pa ang bangkay ng pinaslang na aktibistang si Jose Reynaldo Poquia sa Iloilo City.


ILOILO CITY - Patay sa pamamaril ang coordinator ng Bayan Muna-Panay sa Barangay Sto. Niño Norte sa nasabing lungsod, Huwebes ng umaga.

Hindi bababa sa limang tama ng bala ang natamo ng biktimang si Jose Reynaldo Porquia, mas kilala sa pangalang Jory Porquia.

Isang residenteng nakasaksi sa insidente ang nagsabing dalawang lalaki ang bumaril sa biktima.

Ayon kay Reylan Vergara ng Karapatan-Panay, matagal nang sinasabi ni Porquia na may nagsu-surveillance sa kaniya kaya naniniwala ang grupo na may kinalaman sa trabaho ni Porquia bilang coordinator ng Bayan Muna-Panay ang pagpatay sa kaniya.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.