3 lalaki huling nagsusugal sa lamay sa kabila ng lockdown

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2020 12:43 PM | Updated as of Apr 30 2020 01:52 PM

Naaktuhang ang 3 lalaki ng nilalabag ang lockdown nang magsugal sila sa isang lamay. Magsingal police

MAGSINGAL, Ilocos Sur -- Inaresto ng mga awtoridad ang 3 lalaki sa naaktuhang nagsusugal sa lamay sa bayang ito, Miyerkoles, sa kabila ng lockdown ng buong Luzon para mapigil ang pagkalat ng COVID-19. 

Kabilang sa mga nahuli ang isang nakatanggap ng cash aid ng pamahalaan para sa mga pinakamahihirap na pamilya, ayon sa pulisya. 

Nakuhanan anila ang 3 lalaki ng mga baraha at mahigit P3,000 na taya.

Nahaharap sila sa paglabag sa anti-gambling law.