Mag-asawa natagpuang patay sa Tacloban City

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2019 11:07 PM

TACLOBAN CITY - Patay na nang natagpuan ang mag-asawang Aler sa loob ng isang bahay sa Tacloban City nitong Martes.

Kinilala ang mga biktima na sina Marilou at Antonio Aler, residente ng Barangay 62-B, Sagkahan sa Tacloban City.

Patay na ang dalawa nang matagpuan ng kanilang anak na tumanggi nang magbigay ng pahayag.

Sugatan sa leeg si Marilou samantalang may sugat sa tiyan at nakahawak ng kutsilyo si Antonio.

Kararating lang umano ni Marilou mula sa Amerika nitong Lunes, habang si Antonio ay bumisita lamang sa tinutuluyang bahay ng asawa.

Napag-alaman ring ilang taon nang hindi nagsasama ang dalawa.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.