Ilang lugar na sakop ng Maynilad mawawalan ng tubig

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2019 11:07 AM | Updated as of Apr 30 2019 10:03 PM

Nag-abiso ang water concessionaire na Maynilad na makakaranas ng "daily water interruption" ang ilang barangay sa Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, at Cavite hanggang Mayo 14. 

Sa abiso na inilabas nila nitong Martes, sinabi ng Maynilad na nakakaranas ng "unusual algae proliferation" o pagdami ng lumot sa Laguna Lake, na isa sa mga pinagkukuhanan ng suplay ng mga apektadong lugar. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Dahil dito, makakaranas ng mababang pressure o kawalan ng tubig nang ilang oras sa mga sumusunod na lugar. 

Alas-2 ng hapon hanggang alas-2 ng umaga: 

MUNTINLUPA: 
• Barangay Sucat

PARAÑAQUE: 
•Barangay BF Homes 

Alas-5 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi:

MUNTINLUPA
• Alabang
• Cupang
• Sucat

Alas-7 ng gabi hanggang alas-2 ng gabi: 

MUNTINLUPA
• Alabang
• Bayanan
• Poblacion
• Putatan
• Tunasan 

Alas-5 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi: 

PARAÑAQUE: 

• BF Homes
• San Antonio

Alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi: 

IMUS, CAVITE 
• Anabu I-A hanggang I-F 
• Bayan Luma I hanggang IX
• Bucandala I hanggang V
• Carsadang Bago I hanggang II
• Malagasang I-A hanggang I-D
• Malagasang I-G
• Malagasang II-C hanggang II-G
• Poblacion I-A hanggang I-C
• Poblacion II-A
• Poblacion III-A hanggang III-B
• Poblacion IV-A hanggang IV-D
• Tanzang Luma I hanggang VI 
• Toclong I-A hanggang I-C

Alas-3 ng umaga hanggang ala-1 ng madaling araw: 

LAS PINAS
• Barangay Almanza Dos (BF Almanza, T.S.Cruz Subdivision and Versailles)
MUNTINLUPA: 
• Poblacion
• Tunasan

Alas-5 ng umaga hanggang alas-1 ng madaling araw: 

BACOOR, CAVITE: 
• Molino II
• Molino III
• Molino VII
• Queens Row Central
• Queens Row East
• Queens Row West
• San Nicolas III

PARAÑAQUE
• BF Homes

LAS PIÑAS 
• Almanza Uno
• BF International/CAA 
• Pamplona Dos 
• Pamplona Tres
• Pamplona Uno
• Pilar
• Pulanglupa Dos
• Talon Dos
• Talon Kuatro
• Talon Singko
• Talon Tres
• Talon Uno 

MUNTINLUPA: 

• Alabang 
• Ayala Alabang

Humingi ng paumanhin ang Maynilad at nanawagan sa publiko na mag-imbak ng suplay ng tubig. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.