Bahagi ng Marcos Highway bridge isasara mula Mayo 4

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2019 04:53 PM | Updated as of May 01 2019 12:32 AM

MAYNILA - Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isasara ang bahagi ng Marcos Highway Bridge dahil sa mga isasagawang rehabilitasyon sa tulay. 

Magsisimula ang rehabilitasyon sa Mayo 4, Sabado, alas-11 ng gabi at magtatagal ito ng 4 hanggang 5 buwan. 

Isasara ang silangang bahagi ng tulay na nag-uugnay sa Katipunan Avenue, Marikina, at maging ang siyudad ng Antipolo sa probinsiya ng Rizal. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Matapos ang pagaayos sa bahaging ito ay aayusin naman ang kanlurang bahagi ng tulay. 

Kaakibat nito, magkakaroon din ng truck ban sa tulay tuwing umaga, mula alas-6 hanggang alas-10. 

Ito ay para mabigyan ng oras ang mga pribadong sasakyan na bumaybay galing Marikina nang hindi nakararanas ng mabigat na daloy ng trapiko. 

Nagkakahalaga ng P150 milyon ang naturang proyekto, na ayon sa MMDA ay matagal nang pinlano at ikinasa. 

-- May ulat ni April Rafales, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.