2 bata patay sa sunog sa Tondo

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2019 05:47 AM | Updated as of Apr 30 2019 07:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

(UPDATED) Napatay ang 2 magkapatid nang masunog ang isang residential area sa Tondo, Maynila nitong madaling araw ng Martes.
 
Nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Barangay 35, kung saan iniwan ng isang ginang ang nilulutong kanin para mamalengke, ayon sa Bureau of Fire Protection. 

Natutulog anila ang 2 anak ng ginang nang sumiklab ang sunog. 

Pasado alas-5 ng umaga, nahanap ang bangkay ng magkapatid na magkayakap sa ikalawang palapag ng bahay. 

Labindalawang pamilya ang nawalan ng tirahan at nasa P100,000 ang halaga ng pinsala.-- May ulat nina Jekki Pascual at Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.