Fetus nakuha ng bata sa Iloilo River

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2018 09:37 AM

ILOILO CITY - Natagpuan ng isang 13-anyos na bata ang isang fetus sa bahagi ng Iloilo River na sakop ng Barangay Legazpi sa lungsod na ito, Linggo ng gabi.

Mangunguha sana ng alimasag ang teenager nang sumabit sa kaniyang lambat ang isang plastic bag. Nang buksan ang duguang supot, tumambad sa kaniya ang fetus.

Nasa 6 na buwan na ang fetus na maaaring katatapon pa lang sa ilog nang matagpuan dahil sariwa pa ang dugo nito, sabi ng pulisya.

Inaalam pa anila kung may nakakita sa nagtapon nito sa lugar. Ulat ni Jenel Baclay

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.