LRT at MRT, may libreng sakay sa Araw ng Paggawa

Jeff Hernaez, DZMM

Posted at May 01 2017 07:43 AM

MANILA - May libreng sakay ang Light Rail Transit lines 1 at 2, pati ang Metro Rail Transit, sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, Lunes.

Ipatutupad ang libreng sakay sa mga tren mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga, at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Ayon sa pamunuan ng mga tren, layon ng libreng serbisyo na kilalanin ang kontribusyon ng lahat ng mga manggagawa sa bansa.

Kailangan lamang anilang ipakita ng mga commuter ang kanilang company ID para magamit ang libreng sakay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.