MAYNILA -- Nagbabala ang agricultural group na Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) sa mga magsasaka na walang irigasyon na iwasan ang pagtatanim ng palay dahil sa El Niño.
"Medyo yung non-irrigated area we don't suggest magtanim sila ng rice sa ngayon dahil kung yung El Ninno is coming and walang tubig doon sa area, talagang hindi natin in-encourage," ani Sinag president Rosendo So.
"Dahil yung water level talaga pababa eh, you need to pump out water in this, yun ang nakikita natin, yung kulang sa tubig talaga," dagdag niya.
Tingin ni So, mas mabuting magtanim ng mais dahil hindi umano nito kailangan masyado ng tubig.
"Itong corn at least hindi masyadong malaking tubig ang kailangan, yung mga farmers naman nakikita naman yung area na pwedeng magtanim ng corn," aniya.
Kasalukuyang nasa ilalim ng "El Niño watch" ang Pilipinas.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, magsasaka, bigas, farmers, Sinag, Samahang Industriya ng Agrikultura