MAYNILA -- Nakarating na sa Pilipinas nitong Sabado ang 8 overseas Filipino workers (OFW) mula Sudan kung saan may nangyayaring kaguluhan.
Ayon kay Jhonny Mariano, labis na pangamba ang kanilang sinapit lalo’t tinamaan ng lampas 15 ligaw na bala ang hotel kung saan sila nagta-trabaho.
"Hindi naman nag-eexist ang ceasefire nila kasi here and there merong mga putukan," dagdag ni Mariano.
Ang isa pang hotel worker na si Arnel Nacion, hindi na nagbabalak pang bumalik sa Sudan.
"Parang mataas na ang phobia ko," ani Nacion.
Sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), 610 Filipinos na ang lumikas mula sa Khartoum, Sudan.
Nasa 414 ang nakapasok na sa Egypt at 114 ang kasalukuyan nasa biyahe patungo sa Egyptian-Sudanese border.
"As of now, we have the rest of the 414 who are waiting for their visas to be issued doon sa border ng Egypt at Sudan. Tandaan po natin Filipinos need a visa kaya yung clearance procedures ay talagang mas matagal at mas mausisi dahil nga sa giyera," paglilinaw ni DFA Assistant Secretary Paul Raymund Cortes.
Ang mga nakauwing OFWs ay makatatanggap ng P50,000 mula sa reintegration financial assistance program ng Department of Migrant Workers (DMW).
Sasailalim din sa psychosocial intervention ang lahat ng Filipino na uuwi galing Sudan.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, Sudan, Egypt, Egyptian-Sudanese border, DFA, Department of Foreign Affairs