PatrolPH

3 patay, 5 sugatan sa banggaan ng mga sasakyan sa Baguio

ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2022 11:55 PM

Kuha ni Rafael Paeng Valencia
Kuha ni Rafael Paeng Valencia

BAGUIO – Tatlo ang patay habang lima ang sugatan sa banggaan ng van, container van, at taxi sa Baguio City, Biyernes ng umaga.

Sa imbestigasyon, lumalabas na patungo sa iisang direksyon ang tatlong sasakyan sa Suello Village nang mabangga ng container van ang taxi, na bumangga naman sa van. 

Nawalan ng kontrol ang driver ng van kaya bumangga ito sa pader sa gilid ng kalsada.

Ayon sa Baguio City Police Office Station 9, sa tatlong sakay ng container van, dalawa ang patay kabilang ang driver nito. Sugatan din ang isang pahinante ng container van.

Patay naman ang 6-anyos na sakay ng van habang sugatan ang apat na sakay nito.—Ulat ni Mae Angelei Daos Cornes

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.