PatrolPH

Leader umano ng sindikato, 7 iba pa timbog sa drug bust sa Tagum City

ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2021 11:10 PM

Leader umano ng sindikato, 7 iba pa timbog sa drug bust sa Tagum City 1
Kuha ng Tagum City PNP

Timbog ang isang itinuturong leader ng sindikato at 7 iba pa sa isang drug-bust operation sa Barangay Visayan Village sa Tagum City, Davao del Norte, Lunes ng gabi.

Kinilala ang leader umano na si Marlon Maurillo. Ayon sa pulisya, siya ay pinuno ng "Kaparas Gang" na ang dating pangalan ay "Sukarap Gang" na sangkot umano sa mga pagnanakaw, cellphone snatching at pananaksak sa lungsod.

Arestado rin ang isang babae at 6 pang kalalakihan matapos mahuli ng mga operatiba na gumagamit umano ng shabu.

Nakuha sa kanila ang apat na pakete ng hinihinalang shabu at sampung nabuksan na na pakete ng droga.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga naaresto.--Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.