PatrolPH

56 anyos patay nang masagasaan ng trak sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2021 03:40 PM

Patay ang isang 56 anyos na lalaki matapos masagasaan ng truck sa Davao City, gabi ng Miyerkoles. 

Kinilala ang biktima na si Welson Cantilang. 

Ayon sa isang saksi sa insidente, tumatawid ang biktima sa highway pero sa kabilang direksiyon nakatingin kaya hindi nakita ang paparating na trak. 

Nang masagasaan na ang biktima, walang malay ang driver na naipit na pala ng gulong ng truck ang lalaki..

Nalaman umano ng driver na may nasagasaan na siya nang narinig ang sigaw ng mga residenteng nakakita ng pangyayari.

Isinugod si Cantilang sa ospital pero idinekalara nang dead on arrival.

Nasa kustodiya na ng Bunawan Police Station ang driver ng trak na possibleng haharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

— Ulat ni Chrislen Bulosan

KAUGNAY NA VIDEO: 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.