PatrolPH

5 pang lugar sa QC isinailalim sa special concern lockdown sanhi ng COVID-19

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2021 06:16 AM | Updated as of Apr 29 2021 06:34 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Patuloy na nadadagdagan ang mga lugar sa isinasailalim sa tinaguriang special concern lockdown sa Quezon City, matapos ilagay sa naturang COVID-19 quarantine level ang 5 pang lugar Miyerkoles.

Sa impormasyon mula sa lokal na pamahalaan, nag-umpisa na ang 14-day special concern lockdown sa mga sumusunod na lugar:

  • Bahagi ng Iriga St. sa Brgy Sta Teresita
  • Bahagi ng Gen Yongco St. sa Brgy Bagong Silangan
  • Bahagi ng Del Mundo St. sa St Martin Village, Barangay Talipapa
  • Bahagi ng Lazaro St. sa Lazaro-Soriano Compound, Brgy. Tandang Sora
  • Bahagi ng Road 2, Lakas St. sa Brgy Matandang Balara

 

Ang mga nabanggit na lugar ay nakaapagtala ng 10 o higit pang kaso ng COVID-19.

Nasa 52 lugar sa Quezon City ang kasalukuyang nasa ilalim ng special concern lockdown.

Lahat ng mga apektadong residente ay aabutan ng mga food pack sa buong lockdown.

Sinasailalim din sila sa swab testing at agad ina-isolate o dinadala sa isolation facilities ang mga magpopositibo sa COVID-19 na may nararamdamang malalang mga sintomas.

Sa pinakahuling tala ng QC health office, nasa 9,163 ang active COVID-19 case sa lungsod habang sumipa sa higit 70,393 ang nakarekober sa sakit. 

Nasa 87% hanggang 97% ang occupancy rate ng mga government hospital sa lungsod. 

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.