PatrolPH

2 patay sa banggaan ng motorsiklo sa Guimaras

ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2021 10:46 PM

Patay ang dalawang rider matapos magbanggaan ang kanilang nga sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Millan sa bayan ng Sibunag, Guimaras, Miyerkoles ng gabi.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jason Miague, 28, at Jeremias Galve, 29, na parehong nakatira sa lugar.

Sa imbestigasyon ng Sibunag PNP, nag-overtake si Miague sa isang sasakyan at nagkataon na nakasalubong niya si Galve. Sa lakas ng banggaan ay tumilapon sa kalsada ang dalawang rider.

Kaagad na dinala sa ospital ang dalawa pero idineklara silang dead-on-arrival ng doktor matapos magtamo ng malubhang sugat sa ulo at ibat-ibang bahagi ng katawan.

Wala umano silang suot na helmet nang mangyari ang insidente.--Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.