Sumabit na Hawksbill Marine Turtle sa Surigao del Norte, pinakawalan rin

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2020 04:24 PM

Bago muling pinakawalan sa dagat ay sinuri, sinukat at nilagyan muna ng tag ang nasagip na Hawksbill Marine Turtle. Larawan mula sa Bacuag local government

BACUAG, Surigao Del Norte - Isang pawikan ang pinakawalan rin matapos itong sumabit sa fish net ng isang mangingisda sa bayang ito noong Abril 26.

Agad na nai-turnover sa Municipal Agriculture Office ng mangingisdang si Anselmo Cagas ang pawikan na isang Hawksbill Marine Turtle.

Sa pagsusuri sa pawikan, may haba itong 40 centimeters at bigat na limang kilo.

Itinuturing na critically endangered ang Hawksbill dahil kumakaunti na lang ang populasyon nito ngayon.

Nilagyan muna ito ng tag bago pinakawalang muli sa dagat.

Anim hanggang 12 taon na pagkakakulong, at multa na hindi bababa sa P100,000 hanggang isang milyong piso ang parusa sa sinumang mapapatunayang nanghuli, pumatay at nanakit ng pawikan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.