Nagtitinda sa palengke sa Davao City, nagpositibo sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2020 01:10 AM | Updated as of Apr 29 2020 09:39 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang nagtitinda sa Bankerohan Public Market, ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nitong Martes.

Sa kanyang panayam sa Davao City Disaster Radio, sinabi ng alkalde na nagsagawa na ng disinfection sa naturang palengke at nagpapatupad na ng house lockdown sa lugar.

"Palagi ko nang sinasabi sa inyo na huwag kayong pabalik-balik sa grocery at palengke dahil nandiyan ang virus kasi andiyan ang mga tao," aniya. 

Ayon sa alkalde, wala pa namang naiulat na nagpositibo sa hanay ng food delivery services.

Dagdag pa niya, pinaghahandaan na rin ang transition pagkatapos ng extended enhanced community quarantine (ECQ).

"Yung [modified community quarantine] natin once we were ready na, we will discuss it kapag malapit na matapos ang ECQ ngayong May 15," aniya. --Ulat ni ‎Berchan Louie Angchay‎, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.