Extension ng enhanced community quarantine sa Iloilo, kinumpirma ni Treñas

ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2020 01:39 AM

Kinumpirma ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas nitong Martes ng gabi ang extension ng enhanced community quarantine (ECQ) sa siyudad hanggang Mayo 15.

Sa pahayag ng alkalde sa isang radio station sa siyudad, sinabi niya na nakausap na nito si Presidential spokesperson Harry Roque na nagpaliwanag na bahagi ng quarantine extension ang Iloilo City.

"We welcome this new development and we are supportive of the moves of the national government in order to better protect our people from the deadly virus," ani Treñas.

Dagdag pa niya, hinihintay nila ang guidelines ng Inter Agency Task Force (IATF) para sa implementasyon ng extended na ECQ.

Una nang pinahayag ni Roque ang extension ng ECQ sa ilang lugar bilang bahagi ng rekomendasyon ng IATF.

--Ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.