Bangkay ng lalaki natagpuan sa nakaparadang jeep sa Maynila

Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2020 12:32 AM

Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki nitong Martes ng hapon sa loob ng isang nakaparadang jeep sa Arlegue Bridge, Arlegue St., Barangay 641, San Miguel, Manila.

Sa ulat ni Police Staff Sgt. Jayson Badillo ng Manila Police District (MPD) Station 8, nadiskubre ang bangkay ng 70 anyos na si Bonifacio Hilario, hiwalay sa asawa, pasado alas-5 ng hapon.

Nabatid na residente ng San Jose Rodriguez, Rizal ang lalaki.

Nag-iimbestiga na ang homicide section ng MPD kung ano ang ikinamatay ni Hilario.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.