'Apat na sulok ng buhay': Lungsod sa Pampanga, nagpinta ng mga kahon para sa physical distancing

Trisha Mostoles, ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2020 03:23 AM

Kuha ng CPOSCO

Kuha ng CPOSCO

Kuha ng CPOSCO

Nagpinta ng mga puting kahon ang Public Order and Safety Coordinating office ng city of San Fernando, Pampanga bilang paraan ng pagsunod sa physical distancing.

Ayon kay CPOSCO chief Louie Clemente, magsisilbing mga paalala ito sa mga mamamayan na sanayin ang sarili sa pagpapatupad ng physical distancing sa mga matataong lugar tulad ng mga sidewalk, palengke, grocery, botika, at money transfers.

“Sa pamamagitan ng pagpila gamit ang mga nasabing ‘apat na sulok ng buhay’ ay nakakatulong tayo na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19," aniya.

Patuloy pa rin ang paglalagay nila ng mga ito sa siyudad bilang panghihikayat na rin sa mga business owners na ipatupad ang physical distancing.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.