9 arestado sa pagsusugal sa Ilocos Norte

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2020 11:10 PM

Siyam na lalaki ang inaresto matapos maaktuhang nagsusugal sa isang kubo sa gitna ng bukid sa Barangay 22 sa bayan ng San Nicolas sa Ilocos Norte nitong Lunes.

Ayon sa pulisya, ilan sa mga nahuli ang dumayo pa sa Barangay 22 galing sa ibang barangay.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gambling Law ang mga naaresto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.