45 bahay naabo sa sunog sa Malabon

ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2020 11:36 PM | Updated as of Apr 30 2020 06:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Aabot sa 70 pamilya ang naapektuhan ng sunog sa Sancianco St., Barangay Tonsuya, Malabon City Miyerkoles ng gabi.

Ito ay matapos tupukin ang nasa 45 bahay na pawang gawa sa light materials. 

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang alas-7 ng gabi at umabot sa ikatlong alarma. Tuluyan itong naapula alas-9:45 ng gabi.

Sa imbestigasyon ng BFP, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang residente hanggang sa tuluyang kumalat. 

Nahirapan ang mga bumbero na agad na maapula ang sunog dahil sa masikip na eskinita. Aabot sa P850,000 ang halaga ng danyos sa insidente. 

Walang naiulat na nasaktan sa insidente. Inaalam pa rin ang pinagsimulan ng sunog. – Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News