250 bahay, nasunog sa Davao City

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2020 12:07 PM | Updated as of Apr 29 2020 12:08 PM

 

Sumiklab ang malaking apoy sa New Society Village sa Barangay Ilang sa Davao City Miyerkoles ng madaling araw.

Umabot sa 250 bahay ang nilamon ng apoy.

Nahirapan ang mga bumbero sa pag-apula sa sunog dahil nasa gilid ng dagat ang mga bahay.

Ayon sa Bunawan Police, kabilang sa nasunog ang bahay na naka-lockdown dahil may persons under monitoring dahil sa COVID-19.

Tinatayang aabot sa P750,000 ang halaga ng ari-ariang napinsala ng sunog.

Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection ang naging sanhi ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.