Babae patay sa nasunog na Parañaque condominium

ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2019 12:57 PM | Updated as of Apr 29 2019 09:10 PM

Nasunog ang gusali ng Pacific Coast Plaza sa Tambo, Parañaque City, Abril 29, 2019. George Calvelo, ABS-CBN News

MAYNILA (UPDATE) — Isa ang patay sa sunog na tumama sa isang condominium sa Parañaque City nitong Lunes, na umabot pa sa general alarm, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Isang bangkay ng 80 anyos na babae ang natagpuan ng BFP sa ika-21 palapag ng gusali, ang palapag na sinasabing pinagmulan ng apoy.

Naiulat ang sunog sa gusali ng Pacific Coast Plaza sa Barangay Tambo bandang tanghali at naideklarang fire out alas-5:22 ng hapon, ayon sa BFP.

Watch more in iWant or TFC.tv

Itinaas pa bandang alas-12:30 ng tanghali ang sunog sa general alarm, ang pinakamataas na babala na nangangahulugang kinakailangang rumesponde ng lahat ng bombero mula sa ibang distrito.

Anim na palapag o mula ika-18 hanggang ika-23 palapag ang nadale ng apoy.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog.

Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez, karamihan sa mga nakatira sa gusali ay rumerenta ng unit.

Handa raw magbigay ng tulong ang pamahalaang lokal ng ayuda sakaling kailanganin. --Ulat nina Henry Atuelan at Jeff Canoy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.