Lalaki sugatan sa sunog sa Benguet

ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2019 04:20 PM

Nasugatan ang isang lalaki sa sunog na tumupok sa isang bahay sa bayan ng Tuba, Benguet nitong umaga ng Lunes.

Isang residenteng naninirahan sa nasunog na bahay sa Barangay Poblacion ang nasugatan habang sinusubukang apulahin ang apoy.

Naiulat sa Tuba Fire Station ang sunog alas-7:12 ng umaga at naideklara ring fire out alas-7:30 ng umaga.

Ayon sa imbestigador na si Fire Officer 3 Peter Cuh-ing, nagsimula ang sunog sa naiwang nilulutong pananghalian sa bahay.

"Nagluto daw sila tapos naiwan so unattended cooking," ani Cuh-ing.

Aabot sa P300,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian sa sunog.

Nagpaalala naman ang mga bombero na hintaying matapos ang niluluto bago umalis ng bahay para hindi maulit ang kaparehong insidente. --Ulat ni Justin Aguilar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.