'Hindi tapunan': Embahada ng Canada kinalampag ng EcoWaste Coalition

ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2019 11:03 AM

MAYNILA- Kinalampag ng grupong EcoWaste Coalition ang Embahada ng Canada dito nitong Lunes upang igiit na dapat nang kunin ng bansa ang basurang itinambak nito sa Pilipinas higit 5 taon na ang nakalilipas.

Bitbit ang mga placard, iginiit ng grupo na hindi katanggap-tanggap ang pagtatambak ng Canada ng basura sa Pilipinas.

Nauna nang binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Canada na kunin ang mahigit sa 100 container ng basurang itinambak nito kung hindi ay posibleng magdeklara ng giyera ang Pilipinas.

"Ang salita ng ating Presidente ay sumasalamin kung gaano ka-urgent, gaano kaseryoso na dapat nang kunin ang mga basurang ito. Hindi na ito dapat nagtatagal pa sa Pilipinas," ani Aileen Locero, national coordinator ng EcoWaste Coalition.

Siniguro naman ng Embahada ng Canada noong nakaraang linggo na nakikipag-ugnayan ito sa pamahalaan ng Pilipinas upang maresolba ang problema sa basura.

-ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.